Dispatch from Crame No. 555: Sen. Leila M. de Lima’s Statement on Commemorating “West Philippine Sea Victory Day”

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

“Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.”

Sa mga linyang ito mula sa ating Pambansang Awit, inilalarawan ang dangal ng ating lahi, at ang tungkulin nating ipagtanggol ang bayan mula sa pananakop at pang-aabuso ng mga dayuhan.

Ito nga po ang isa sa mga pundasyon ng ating Saligang Batas—ang pagtatanggol sa ating soberanya, at pagpapahalaga sa kasarinlang ipinamana ng mga bayani nating nagsakripisyo at nagbuwis ng kanilang buhay.

Kaya naman itinuturing po nating napakalaking tagumpay ang pagkapanalo ng ating bansa, sa panahon ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, sa kasong inihain natin sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa Tsina ukol sa ating karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Exactly three (3) years ago, or in July 12, 2016, the PCA ruled in favor of our country as it declared the so-called “nine-dash line” claimed by China as invalid and without legal basis to claim historic rights to resources within the WPS.

This is why I refiled a bill to mark July 12 of every year as a Special Working Holiday to honor the landmark decision in Philippines v. China and to commemorate this momentous victory as a nation.

Sa panahong muling nilalapastangan ang ating pambansang dangal, ipinagkakait ng mga dayuhan ang kabuhayan at hinahayaang mapahamak at mamatay ang ating mga kababayan; sa termino ng isang Pangulo at mga kaalyado nitong maka-Tsino kaysa maka-Pilipino, kailangan nating tumindig bilang nagkakaisang mamamayan.

Panatilihin po sana nating nag-aalab at buhay sa ating puso’t isipan ang pagmamahal sa Inang Bayan. ###

Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 555 here: https://issuu.com/senatorleil…/…/dispatch_from_crame_no._555

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.