Dispatch from Crame No. 551: Sen. Leila M. de Lima’s Congratulatory Remarks for UP Cum Laude Leo Jaminolac

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

My sincerest congratulations to Leo Jaminola for his remarkable success, graduating as UP Cum Laude this year, despite the struggles and hardships he had to endure because of poverty. Leo had to juggle six jobs in order to pay his dues and survive as a student.

Indeed, Leo’s path to success is both an inspiration and a challenge to many of us, not only to students like him who belong to poor families, but also to government officials who are in the position to create policies that will empower our citizens, especially our less fortunate countrymen.

Naniniwala po ako na marami pang gaya ni Leo, na kapos man sa buhay, ay buo ang loob na nangangarap at nagsisikap para guminhawa ang pamilya. Silang kapos man sa buhay, ay sinusulit ang bawat pagkakataong dumarating at di-inaalintana ang mabibigat na sakripisyo para makaalpas sa tanikala ng kahirapan.

Gaya ng panawagan ni Leo, nais niyang magsilbing halimbawa ang kanyang istorya para higit na mabigyang pansin ng gobyerno ang pamumuhunan sa kinabukasan ng ating mga kababayan, partikular na sa edukasyon at kalusugan. Batid din po natin na marami sa ating kabataan ngayon ang napipilitang magtrabaho at kumita na ng pera, sa halip na matutukan ang pag-aaral at makakuha ng diploma.

Ito po ang layunin natin sa pag-akda at pagtataguyod ng mga batas na Magna Carta of the Poor at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act; hindi bilang limos sa maralita, kundi upang bigyang lakas at kakayahan ang matagal nang pinagkaitan ng oportunidad na umasenso.

Sa halip na unahin ang interes ng mga dayuhan, imbes na ipamigay sa iba ang trabaho na para sana sa mga Pilipino, kaysa mapunta ang pondo sa bulsa ng mga tiwali at mapang-abuso, kumilos pa sana ang gobyerno para magtagumpay ang milyon-milyon pang Pilipino kagaya ni Leo.

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 551, here:

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.