It is no surprise that PNP Director-General Oscar Albayalde believes that the government is “definitely” winning the three-year-old “War on Drugs.” Of course, they made such declaration to justify the brutal killings under the Duterte regime.
They conveniently set aside the fact that innocents continue to die because of this murderous drug war. Three-year-old Myka Ulpina was the latest casualty. Myka was killed after suffering a gunshot wound to the head during a police raid targeting her father, Renato Dolofrina, in Rizal on June 30.
Ito ba ang panalo para sa gobyernong ito? Ang pagpaslang sa isa na namang inosenteng bata tulad ni Myka, at sa libo-libong mahihirap na Pilipino?
Panalo ba nilang maituturing na pagkatapos ng tatlong taon, bilyon-bilyong halaga ng ilegal na droga pa rin ang naipupuslit sa bansa, habang nananatiling malaya ang mga tunay na drug lords?
Kung sabagay, sadyang binabaligtad nila ngayon ang lahat sa rehimeng Duterte. Ang inosente, ikinukulong at pinapatay. Ang kriminal, pinapalaya at pinagtatakpan. Ang para sa Pilipino, ipinamimigay sa dayuhan.
Kung “panalo” ang pakahulugan nila sa salitang “palpak”, talagang magpapatuloy pa ang araw-araw na patayan, hindi titigil ang pagkitil sa mga walang kalaban-laban, gaya ni Myka, ng apat na taong gulang na si Skyler Abatayo, limang taong gulang na si Danica May Garcia, at labimpitong taong gulang na si Kian Loyd de los Santos.
Matauhan at makonsensya naman sana sila sa kahibangang ito.
End the Killings Now!
(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 549, here: https://issuu.com/senatorleil…/…/dispatch_from_crame_no._549)Issuu is a digital publishing platform that makes it simple to publish magazines, catalogs, newspapers, books, and more online. Easily share your publications and get them in front of Issuu’s millions of monthly readers. Title: Dispatch from Crame No. 549, Author: Senator Leila M. de Lima, Name: D…