Sa pagtatapos ng 17th Congress, hindi ako tumigil at patuloy na magtatanggol sa karapatang pantao, hustisyang panlipunan, at pananagutin, bilang atas ng Saligang Batas at ng budhi, ang mga abusadong opisyal ng gobyerno at mga taksil sa bayan.
Hindi ako titigil na bigyang boses ang mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay sa likod ng War on Drugs na pakana ng isang diyablong pangulo.
At patuloy na magsusulong ng mga panukalang batas at resolusyon na may kabuluhan at tumitiyak sa kapakanan ng mahihirap, gaya ng 4Ps Law at Magna Carta of the Poor.
(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 547, here: https://issuu.com/senatorleil…/…/dispatch_from_crame_no._547)