I have seen the photo of a 10-year-old boy, Li Boy, speaking at a rally calling for the release of his father, Maoj Maga, an organizer of transport group Piston and staff of Kilusang Mayo Uno (KMU) Labor Center. It is even more heartbreaking to see Li Boy hugging his mother when he heard the news that the court sentenced his father with 8 to 14 years imprisonment for illegal possession of firearms.
Sa mga larawang ito, hindi ko maiwasang isipin kung gaano pa kaya karaming anak na gaya ni Li Boy, ang nananawagan para sa kalayaan ng mga magulang na maituturing na bilanggong politikal. Ilang libong bata kaya ang hanggang ngayon ay labis na nangungulila at sumisigaw ng katarungan sa pagpatay sa kanilang ama o ina bunsod ng palpak na War on Drugs ni Duterte?
Sukdulan na kasi ang pagiging garapal ng rehimeng Duterte: Kung paanong inaabswelto at nananatiling malaya ang mga magnanakaw at mandarambong, at ginagawang “state witnesses” yung mga tunay na kriminal, ay wala namang pakundangang pinapaslang ang mahihirap, kinakasuhan at ipinakukulong ang mga kritiko ng pamahalaan.
Instead of allowing ourselves to be silenced by this relentless political persecution of the Duterte regime, this should further compel us to keep fighting for truth and justice. Gawin po nating inspirasyon at lakas ang mga tulad ni Li Boy, at ang marami pang inosenteng bata, na sa murang edad ay nananawagan na ng hustisya at pananagutan mula sa mapaniil at marahas na gobyerno.
Palayain ang mga inosente at panagutin ang mga tunay na kriminal!
(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 528, here: https://issuu.com/senatorleil…/…/dispatch_from_crame_no._528)