Dispatch from Crame No. 516: Sen. Leila M. de Lima’s statement calling for an investigation on Bikoy’s revelations

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

The appearance of ‘Bikoy’ or Peter Joemel Advincula proves one thing—there is a real person behind the viral video, “Ang Totoong Narcolist”, and that he is willing to risk his life to expose what he knows about the alleged illegal drugs involvement of the family and close friends of President Duterte.

Seryosohin dapat ng awtoridad si ‘Bikoy’. Hindi biro ang panganib na sinuong at haharapin pa nya at ng kanyang pamilya para lamang mailabas ang impormasyong hawak nya. Kaya hindi nila pwedeng balewalain si ‘Bikoy’ at basta na lang bansagang peke o bayaran gaya ng sinasabi ni Paolo Duterte na inaakusahang isa sa mga “principals” o “Patron” ng malaking sindikato ng droga sa bansa.

From the time when the first of the ‘Bikoy’ videos came out until now that he finally revealed himself, this administration has shown that it is more interested in “shooting the messenger” than letting due process takes its course until the truth comes out.

Is ‘Bikoy’ for real or is he a “scammer” as alleged by Polong? What if he has credible evidence? He deserves to be heard.

Alam nating may mga pwersang kikilos para iligaw o pigilan ang imbestigasyon sa pamamagitan ng mga teknikalidad, maling interpretasyon ng mga batas o pati na pananakot. Ngunit hamon ito sa mga mabubuting kawani ng gobyerno na protektahan ang interes at dignidad ng kanilang tanggapan higit sa interes ng iilang tao.

Protektahan ang katotohanan! Ito ang hamon sa ating lahat na naghahangad ng gobyernong may pananagutan at kumikilala sa batas na patas at para sa lahat. Kalampagin natin ang awtoridad upang umaksyon at aktibo tayong lumahok upang hindi maibaon sa pamamagitan ng panlilinlang o pananakot ang katotohanan.

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.