Bakit ba pinag-iinitan nila si Acierto at ‘Bikoy’? Ano ang kinakatakutan nila?
Dahil ba hawak siguro ni Acierto at ‘Bikoy’ ang katotohanan? Kasi, kung imbento lang yung mga exposé nila, bakit pinag-aaksayahan ng pera, pagod at panahon ng mga awtoridad ang dalawang ito?
Magnilay-nilay po tayo sa mga nakakabahalang mga kaganapan na ito. Maging mapanuri. Maging alerto.
(If not done yet, please check out today’s PDI editorial – “Skewed zeal, priorities”). ###