Ilang buwan lamang ang nakalipas nang bumisita sa ating bansa ang ilang miyembro ng Liberal International. Parliamentarians journeyed from different corners of the world to come to the blessed islands that is the Philippines in search of an explanation why thousands of Filipinos have perished in a mayhem orchestrated by the Duterte Administration.
Noon pa man nagtataka na sila sa mabilisang pagkawasak ng ideya ng hustisya sa ating bayan, sa pagsira sa karapatang pantao ng ating mga kababayan, at sa pagsawalang-bahala sa buhay ng mga Pilipino nang sa mga labi mismo ng Presidente namutawi ang salitang sesentensya sa kanila bago pa man bumagsak ang gavel ng hudikatura.
They met with the wives widowed, and children orphaned, by Duterte’s Drug War. It was a tearful engagement between legislators from around the globe and helpless families forced to survive in a world where life is so mercilessly taken away only to satisfy the thirst for blood and power of a sick and perverted man who is so drunk on his idea of “justice” that he so hastily decided to butcher Filipinos like pigs in a slaughterhouse, pull families apart and steal all hope left in Filipinos.
Nakakapangilabot ang mga kwento ng batang hilaw pa sa edad ngunit hinog na sa karanasan nang marinig nila ang mga putok na bumasag sa kanilang katahimikan, nang makita ang dugong lumunod sa kapayapaan ng kanilang mga buhay, at nang isa-isang bumagsak ang kanilang mga mahal sa buhay sa kamatayan. Nursing babies torn apart from the bosoms of their mothers who were labeled as drug peddlers, wives who are forced to raise their children in a society where human rights are wantonly disregarded.
Nag-iwan sila ng pangako sa mga lumuluhang mga pamilyang biktima ng EJK, mga salitang para bang musikang nagpagaan sa kanilang mga kalooban. “The world is watching,” sabi nila. And like a song sung across oceans, one international body after another started voicing out their concerns about the senseless killings. Tunay ngang nanonood ang mundo – na siya namang nagpapalawig sa takot at kaba ng Palasyo sa papalapit na pag-uusig.
How very frightened is this Administration, that the Palace just recently, through Spokesperson Panelo, quickly reduced the Resolution passed by the Board of Supervisors of San Francisco supporting US House Resolution No. 233 condemning the Philippine Government for the “state-sanctioned extrajudicial killings by police” into an issue of colonization – still under a false and blind belief that there is absolutely nothing wrong with the state policy of murdering thousands to “solve” the drug problem in our country.
Nakakapagtaka lamang na imbes na patunayan nila na matagumpay ang kanilang Drug War na palagi naman nilang ibinabandera sa taumbayan, mas pinili palabasin na ang pagkokondena ng San Francisco Board of Supervisors ay pag-atake sa soberenya ng Pilipinas.
Ang pagbingwit ng mga higanteng kabibe sa West Philippine Sea, ang patuloy na pagsira sa mga karagatan ng Pilipinas sa kamay ng mga mangingisdang Tsino, ang pang-aagaw ng mga Chinese workers sa mga trabahong dapat ay nakareserba sa mga Pilipino lamang, ang napipintong pagkawasak ng paraiso ng Kaliwa Dam para isakatuparan ang mga China-funded loans, ang pangmamaliit sa mga mangingisdang Pilipino ng mga Tsino sa sarili nating teritoryo – ang ilan lamang sa mga pagkakataon ng malinaw na pag-atake sa soberenya ng bayan kung saan dapat sana ay nagsalita ang administrasyon – sa halip, nanahimik ang Palasyo, minsan pa nga ay dumepensa.
Hindi sa mga pagkakataon tulad nito, na ang hangad lamang ng mga nagsasalita laban sa Drug War ay ipaglaban ang buhay at karapatang pantao ng mga Pilipino. What kind of government do we have that it takes offense from the concern and care of others for the lives and human rights of Filipinos – fundamental rights that our government never seem to put premium on? Isang gobyernong mananatiling tikom ang bibig habang unti-unting winawasak ang bayan sa patuloy na pagkalulong sa masamang bisyo nito na kumitil ng buhay at pag-asa.
The whole world knows: an addiction is spreading like wildfire in the Philippines – but it is not of illegal drugs – but of the breaking of laws, of raping of lady justice, and of flagrantly disregarding human life. To this administration: you can lie, you can offer your flimsy excuses, you can even defend your wrongs – but you can never run far away from the fangs of justice.###