Dispatch from Crame No. 509: Statement of Sen. Leila M. de Lima on the murder of Escalante City Councilor and Human Rights worker Bernardino Patigas

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Another human rights worker was slain, bandit-style, in Escalante City, Negros Occidental. The murder of Bernardino Patigas hews closely to the type of killings that transpired in the past months, raising suspicions that there is a death squad targeting human rights advocates in the area.

We cannot allow this reign of terror and violence to persist!

Sapul nang maupo si Duterte nagkagulo-gulo na ang bansa. Dumilim na ang hinaharap ng bawat Pilipino. Lahat nang hawakan niya dumudumi, nasisira, binabastos, at winawalang-hiya. Ganyan ang nangyayari sa hustisya ngayon. Kada araw ay may pinapatay na mahirap at kapwa nating nagtatanggol sa karapatang pantao at hustisyang panlipunan.

At sa dinami-rami ng problema natin ngayon, may oras pang maglabas ng “oust matrix” si Duterte. Sabagay, lumang style nya na ito para maiba ang usapan at hindi maungkat ang mga pag-abuso at kasalanan nya.

One death is one too many. When they kill Bernardino Patigas because of his beliefs and principles, the killers also attack all of us who value human rights, truth, justice and freedom. This regime is killing these values. We have to fight back!

Hindi na maibabalik ang buhay ni Ginoong Patigas at ang mga pinaslang ng rehimeng ito. Pero may pananagutan tayong panatilihing buhay ang kanilang laban at ala-ala. Tagumpay ang diyablo kung hindi tayo kikibo at maniningil.

Kung eleksyon ang naging tulay nila sa kapangyarihan, sa eleksyon din natin putulin ang tulay para hindi na makarating sa poder ang mga kampon ni Duterte. Singilin natin sila sa Mayo 13.

Huwag iboto ang mga kandidatong sumusuporta at tahimik sa kabila ng kaliwa’t kanang patayan. Lalong magiging mapanganib ang buhay ng bawat Pilipino sa mga ganitong klaseng pulitiko. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.