Mahirap ang mawalan ng kalayaan. Mahirap hindi makakilos at hindi makalabas ng piitan, pero lalo nang mahirap mawalan ng kalayaan ng isip at kalooban.
Sa ganyang aspeto, siguradong-sigurado akong lamang na lamang ako kay Ginoong Bong Revilla. He may have regained physical freedom, but he will never have the freedom of conscience, mind and spirit that I now enjoy, even while under detention. Tahimik at payapa ang aking kalooban dahil, di tulad ni Ginoong Revilla, wala akong nilabag na batas at lalong wala akong inangking pera ng bayan.
Lahat ng paratang sa akin ay nakabase lamang sa pawang laway at kasinungalingan ng mga testigong tinakot o pinangakuan ng kung ano ano, mga totoong drug lords na kahit ngayon ay tumatamasa ng mga pribelehiyo at proteksyon ng kanilang ilegal na gawain, kapalit ng pag testigo laban sa akin.
Unlike the plunder and corruption cases filed against Mr. Bong Revilla and the others implicated in the Napoles PDAF Scam, which were bona fide indictments based on credible and freely-given testimonies of whistleblowers, backed by the findings of other independent institutions at the time, such as the Commission on Audit and the Office of the Ombudsman.
Matitibay na dokumento at testimonya itong nagpapatunay na sangkot si Ginoong Revilla sa anomalya gamit ang pondo mula sa kanyang pork barrel. Daanin man nila sa teknikalidad, pagbali-baligtarin man nila ang kanilang istorya, ang mismong korte na nagpawalang-sala sa kanya ang humatol na may hokus-pokus na naganap sa opisina niya noong Senador siya.
The court has found that plunder was committed in his office and Mr. Revilla is liable for restitution along with his co-accused.
Mukhang siya ang nakakalimot.
O mukhang pilit lang talagang nagmamaang-maangan para baligtarin ang katotohanan: May pinapasauling 124.5 million pesos na ninakaw mula sa pork barrel funds ng kanyang tanggapan. Pinalaya ka man ng Korte, hinding hindi mo matatakasan ang katotohanan na mayroon ka pa ring pananagutan.
Isa pa: Kaya kong harapin ang mga kasamahan ko, mga kaibigan, ang taumbayan, at kahit na ang mismong nag-akusa sa akin, at sabihin sa kanilang malinis ang aking konsensya. Iyon ang napakalaking pagkakaiba naming dalawa.
Linawin lang din natin: Sa panunungkulan mo bilang Senador nangyari ang pandarambong ng milyon-milyon, tapos, ako ang ituturo mong may kasalanan?
Tigilan nyo na ako. Huwag nyo akong gamitin sa pagpapapansin sa mga botante at sa pagpapalakas nyo kay Duterte.
I feel sorry for Mr. Revilla on his deliberate yet pathetic attempt to put the blame on me. Ngayong gusto na naman nyang maging Senador, kailangan niyang paniwalain ang sarili nya at ang publiko na inosente siya.
Mr. Revilla shouldn’t be boasting too much about his acquittal, a non-unanimous one. Under certain circumstances, particularly on the political front, equating acquittal with innocence is fallacious.
In the end, what matters is one’s conscience. And divine justice.