Isa sa pinakabatayang pangangailangan ng tao ay ang umunawa at ang maunawaan. At ang pinakamabisang paraan para makaunawa ay ang makinig.
Sa loob ng nakalipas na sampung (10) linggo, umpisa noong Oktubre hanggang ika-15 ng Disyembre, isinagawa sa pamumuno ng Liberal Party ang Project Makinig.
Pakay nito ang makalap ang mga kwento, pangarap at pangamba ng mga kababayan natin—maging anuman ang kanilang kasarian, edad o katayuan sa buhay. Meron lamang silang ilang volunteer nang magsimula na umabot sa mahigit 6,000. Mula sa ilang daang usapan lamang noong una, nakaipon ang Project Makinig ng 150,000 conversations mula sa mahigit sa 100 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa. Tunay na kahanga-hanga!
What is also amazing, alongside these achievements of Project Makinig, is the revelation that came from both sides of the volunteers and the people they interacted with: listening is indeed a bridge that can link all of us as a people. We can learn together and teach one another with the stories that we tell each other, along with our fears, longings, and aspirations.
There is a common yarn that runs through our tales, a hope that binds, a yearning that unites us: Tungo sa isang bayang tunay na malaya, at isang lipunang para sa lahat.
Sa isang panahon at lugar na pilit tayong nilulunod ng ingay ng propaganda, dagundong ng takot at daing ng pangamba, ang katiwasayan at kapalagayang-loob na dala-dala ng pakikinig ay akmang-akma at naaangkop. Hindi nagtataboy kundi nag-iimbita. Hindi nag-uudyok ng pagkakahati-hati kundi nag-aanyaya sa pagsasama-sama.
Sa gitna ng marahas na kilos at pananalita ng nasa kapangyarihan, at sa harap ng nakabibinging kabastusan at kapusukan ng mismong nasa pamahalaan: kapanatagan at pag-asa ang dala-dala ng mahinanon at taimtim na pakikinig sa isa’t isa.
I commend the people behind Project Makinig, especially the volunteers. You are proof that we can rely on citizen action in this dark and cacophonous period of our history. I pray that the momentum and gains of Project Makinig will be sustained and multiplied everywhere.
Mahigpit ang aking paniniwala: hindi lahat ng panahon ay panahon ng pagsasalita. Ngunit lahat ng oras ay oras ng pakikinig.