Dispatch from Crame No. 416: Sen. Leila M. de Lima on JP’s family and other Tokhang and EJK Orphans

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Fourteen-year-old JP was one of the thousands of children of extrajudicial killing victims in the country. He died of leukemia a few days ago.

Nais ko pong ipaabot ang aking pakikiramay sa pamilya ni JP. Nakaabot po sa akin kung gaano katindi ang pinagdadaanan nilang kahirapan, na lalong pinabigat ng pagpaslang sa ama ni JP noong 2016.

Being a mother myself, I can also feel the pain of JP’s mom, Ella. Isang biyuda, na sa kaunting kinikita bilang labandera, ay mag-isa nang itinaguyod ang anim na anak matapos paslangin ang kanyang asawa.

Nagpapasalamat po tayo sa Baigani sa pagtulong kay JP at sa kanyang pamilya. Hindi po matatawaran ang ibinubuhos ninyong dedikasyon at malasakit sa mga ina, anak at pamilya ng mga biktima ng EJK. Nawa’y marami pa sana ang magbukas-palad gaya ninyo, lalo na ang gobyerno, sa kahabag-habag na kalagayan ng mga maralita nating kababayan, na pawang mga biktima ng kahirapan at karahasan sa lipunan.

These heart-wrenching stories also strengthen my resolve to continue speaking out against Duterte’s murderous war on drugs.

Libu-libong mahihirap ang pinapatay sa katiting na gramo ng shabu pero kapag tone-toneladang shabu na ang nadiskubre, pinapalusot lang at pino-promote pa ng gobyernong ito ang mga nasasangkot.

I was enraged when after hearing about JP’s death, I also learned about Customs Commissioner Lapeña’s promotion to TESDA after admitting that billions worth of shabu were indeed smuggled through magnetic lifters.

Sa pamilya ni JP at sa marami pang biktima ng Tokhang at EJK, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Sama-sama nating ipanalangin at pagsikapang marating ang araw ng hustisya, gayundin ang pagpapanagot sa mga salarin sa likod ng pekeng war on drugs na ito ng rehimeng Duterte. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.