“Nasaan ang kabataang mag-aalay
ng kanilang kasibulang buhay,
ng kanilang adhikain at sigasig
sa kabutihan ng bansa?
Nasaan ang siyang puspusang
magbubuhos ng dugo
upang hugasang lahat ang ating kahihiyan,
ang ating mga kalapastanganan,
ang ating kabalintunaan?”
Mga linya ito ni Padre Florentino sa El Filibusterismo ni Gat Jose Rizal kung saan hinahanap n’ya ang kabataang handang maglingkod sa bayan. Napapanahon ngayon ang hamong ito kung saan ang “kahihiyan”, “kalapastanganan”, at “kabalintunaan” na kagagawan ng kasalukuyang pamahalaan ay tumatawag pa rin sa atensyon at kahandaan ng ating mga kabataan.
Among the young leaders today who are living up to the challenge of Padre Florentino, who are willing and able to answer the call of service to the country and its people, a true champion stands out. He is Florin Hilbay. Brilliant, dynamic and courageous, Florin epitomizes what’s best and brightest of today’s Filipino youth, the kind that fires up the resistance and fuels the drive to regain what’s rightly ours: dignity, equality, and decency.
Si Florin ay matalino, matapang, at maprinsipyo. I have proven it countless times as I have personally observed how he works, and how he tremendously values the causes that he espouses—whether as SolGen, law professor, and one of my counsels. Alam ni Florin na ang mga ipinaglalaban nya ay higit pa sa kanya. Alam n’ya na ang lahat ng talino, tapang at sigasig na nasa kanya ay kailangan n’yang gamitin sa tama at makatwiran.
And, Florin Hilbay is more than equal to the task. He exceeds any expectation.
Nang nalaman kong tatakbo si Florin sa Senado, kampante ako sa kanyang kakayahan at kahandaan. Kumpyansa rin ako na malaki ang kanyang maiiambag sa oposisyon at sa mga kinakatawan nito: isang dinamikong alternatibo sa bulok at palpak na pamamahala; isang nararapat na pamalit sa berdugo, sinungaling at tiwaling gobyerno.
Kay Florin Hilbay at iba pang lider-kabataan: salamat sa inyong prinsipyo, sakripisyo at pamumuno. Kayo ang dapat nasa Senado at Kongreso para sa bayang Pilipino.