Anu-ano ang dala-dala ng isang Romulo Macalintal sa 2019 eleksyon, sa ating oposisyon, at sa Senado? Napakarami. Napakamakahulugan.
I’ve known Romy Mac since my years of practice as an election lawyer before. Ilan-ilan lang kami noon sa ganitong field of law practice kaya madalas na kami-kami lang din ang magkakaharap o magkakasama sa mga kaso. Natural, dahil mabait si Romy Mac, naging magkaibigan kami. I even recall my happy experience of having collaborated with him when we lawyered for VP Leni before the National Board of Canvassers in May 2016.
I have seen up close how Romy Mac works, how he deals with the authorities, his clients, the opposing party, and the general public. I’m deeply impressed. He’s a highly competent and trustworthy counsel and advocate. S’ya yong tipong gusto mong makakampi at makasama sa panig mo kapag may laban ka.
Higit sa lahat: Romy Mac is highly principled. Uncompromising. Devoutly Christian. You may disagree with him on some points of law and matters of evidence, but you cannot question his values and moral scruples.
Kaya respetado s’ya ng kanyang mga kliyente, ng kanyang mga kapwa abogado, at ng kanyang mga nakatrabaho. Hindi lang s’ya magaling, kundi matino. At hindi lang s’ya matino, kundi mahusay.
Kaya asset sya sa oposisyon. Dala-dala nya ang talino at prinsipyong lubhang kailangan ngayon sa ating Senado.
Higit pa rito: He’s carrying the banner for the underprivileged and marginalized sectors, such as our senior citizens and persons with disability (PWD). At marami na syang napatunayan sa kanyang mga adbokasya patungkol dito. He is a true champion of the least, the last and the lost among us.
Sa madaling salita: bitbit ni Romy Mac ang dunong, dibdib at puso. S’ya ang kailangan natin sa Senado.