Dispatch from Crame No. 364: Sen. Leila M. de Lima’s statement on Duterte’s “I will resign” antics

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

“Binubuwan” ang tawag ng mga Tagalog sa pagkawala ng balanse sa isip kapag kabilugan ng buwan. Ito rin kaya ang nangyayari kay Duterte sa halos buwan-buwan na nyang pagbabantang magbitiw sa pwesto?

At the beginning of his term, Duterte said he would resign if he could not rid the country of drugs and criminality after 3 to 6 months. Last June, he threatened to leave his post if women would protest his controversial kiss in South Korea. In July, he said he would step down if God is proven to exist. This time, this month, he said he was thinking of resigning because he is supposedly tired of fighting corruption in government.

Sa kabila ng mga banta at pangako ni Duterte, sumisigaw ang katotohanan: lumalala ang kriminalidad at kalakalan ng droga, lumulubha ang korapsyon sa gobyerno, at gumagrabe pa ang kanyang kamanyakan at kabastusan.
Sino pa nga ba ang naniniwala kay Duterte? At may kapani-paniwala pa nga ba sa mga sinasabi at ikinikilos nya?

One thing is certain though. His “I want to resign” antics – much like his attacks against VP Leni, the opposition, the bishops, the priests, the media, and the independent institutions – are more than ravings of a madman. While ultimately trying to stifle criticism and free speech, and erase mechanisms of accountability and checks and balances, the immediate objective of this gimmickry is to divert the issue from the lack of governance, incompetence and corruption that is hounding his administration.

Gustong pagtakpan ni Duterte ang mga tunay na isyu gaya ng katiwalian at pag-abuso niya at ng kanyang mga kasama. Pansinin na lang natin ang nadiskubre lang na P6.8 bilyong halaga ng shabu na nakapuslit sa bansa. Patunay ito ng kapalpakan ng sinasabing kampanya ni Duterte laban sa korapsyon at kontra droga.

Ang leksyon kung gayon ay hindi ang seryusuhin ang mga bantang pagbibitiw ni Duterte kundi ang ipakita at ilantad natin ang tunay na pakay ni Duterte: ang manatili sa kapangyarihan gamit ang kasinungalingan, karahasan at panlilinlang. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.