Tapang at malasakit. Yan ang slogan ni Duterte. Yung tapang, meron naman siguro sya paminsan-minsan pero madalas na wala sa lugar. Yung malasakit, wala talaga. Wala saanmang lugar.
Ni anino ni Duterte ay di mahagilap sa gitna ng sakunang dala ng mga pagbaha at pag-ulang pinalubha ng habagat. Sa maraming apektado ng kalamidad, lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig na probinsya, walang Duterte silang nakitaan o naringgan man lang ng pagmamalasakit.
Ang malubha pa: missing in action din si Disaster Relief Chief Nicanor Faeldon na buong saya pang ibinabalita ang bakasyon niya ng kanyang pamilya. Paano niya nakayanang sikmurain na magliwaliw pa habang libo-libong kababayan natin ang hindi pagkamayaw sa paglikas at paghahanap ng matutulugan, pagkain at tubig?
Ano nga ba yong kasabihan ng mga marino? The captain of the ship goes down with the ship. In this case, Duterte, the supposed captain of the country, was nowhere to be seen. And his First Mate? In the comforts of his weekend home, without even a tinge of care – happily resting in the middle of a raging storm.
I have once heard of this “evacuee-induced allergy” of Duterte from the stories of our brothers and sisters in Marawi; how he would go to military camps but strangely refuse to visit evacuation centers. At hindi ba nga niyayabang pa niya na handa rin daw syang pumunta sa kuta ng Abu Sayyaf? Pero simpleng pagbisita sa mga nasalanta ng habagat at pagbaha – o kahit maigsing pahayag ng pakikiramay man lang – ay hindi magawa ni Duterte. Tapang at malasakit? Ano raw?
Kaya napakalinaw: isang malaking pambobola ang sabihing tunay na matapang at nagmamalasakit si Duterte. Matagal nang naanod ng baha at nalipad ng habagat ang campaign slogan na yan. ###