Dispatch from Crame No. 362: Pahayag ni Sen. Leila M. de Lima sa unang anibersaryo ng pagpaslang kay Kian Loyd delos Santos

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Ngayong araw, ginugunita natin si Kian Loyd delos Santos, ang 17-taong gulang na karumal-dumal na pinaslang ng mga miyembro ng kapulisan isang taon na ang nakararaan. Ang pagpaslang kay Kian ang nagpamulat sa marami sa atin hindi lamang sa karahasan, kundi maging sa mga kapalpakan ng War on Drugs ni Duterte.

Ang paghahanap ng katarungan sa sinapit ni Kian ang siya ring naging panawagan ng libo-libong naulila ng mga biktima ng madugong polisiya ng rehimeng Duterte, na pawang mga maralita, kabilang na ang mga walang kalaban-laban at inosenteng bata.

Ironically, however, Duterte recently admitted he is incapable of eradicating drugs in the country and that the situation will only worsen after his term. This, after he bragged about putting an end to the problem within three to six months, and his pronouncement during the last SONA that this war would be relentless and chilling.

Kung sabagay, ganito naman mamuno si Duterte: Walang direksyon. Puro yabang, puro ngawngaw. Matapos udyukan at kunsintihin ang pagpatay ng 23,000 na Pilipino, saka niya aamining palpak ang madugong War on Drugs?

If resigning is what you are thinking of doing, by all means, just go on, Duterte. No more empty talks and false bravado or promises.

Don’t think for one second, though, that quitting will let you off the hook. Justice will soon catch up on you. You shall answer and will be made accountable for your crimes against humanity.

For now, we pause and pray for your victims. As we remember Kian, we remember how we need to stand up and protect human rights, democracy and morality in our society.

Huwag nating kalimutan ang karumal-dumal na mga krimen ni Duterte at ang paghahanap ng katarungan para sa mga biktima at kanilang pamilya. Sa paglimot, magpapatuloy ang siklo ng kasinungalingan at pag-abuso sa ating mga karapatan. Sa pagwawalang-kibo, mauulit at mauulit lang ang pagpaslang sa mga batang gaya ni Kian—na pinagkaitang mabuhay at tuparin ang kanilang mga pangarap.

Stop the killings! Justice to the victims of EJKs and their families! ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.