Wala nang pagpapanggap si Duterte sa pagsupil sa lahat ng kanyang kritiko. Hindi bago sa atin ang political persecution na nagsimula noon kay Marcos, sinundan ni Gloria Macapagal-Arroyo (GMA), at ngayo’y ipinagpapatuloy ni Duterte.
Noong naupo siya bilang Pangulo, inuna nya akong inusig, sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at ipinakulong kahit labag sa proseso ng batas. Isinunod nila si PNoy at ilang mga dating cabinet officials, na sinampahan ng kaliwa’t kanang mga kaso. Kinasuhan din ang ibang mga kritiko tulad ni Sen. Trillanes at Sen. Hontiveros. Inalis din nila sa pwesto si Chief Justice Sereno sa maling pamamaraan.
Now, the same triumvirate of Duterte, Marcos and newly-installed House Speaker GMA has a new target of persecution by reviving murder charges against militant leaders of the Makabayan Bloc. These were trumped-up charges hatched by GMA against the Batasan 5 (Satur Ocampo, Teddy Casiño, Paeng Mariano, Joel Virador and Liza Maza) in 2004.
This also signals the crackdown against the Left. After more than two years of pretending to be genuinely interested in the peace talks, Duterte is now beating the drums of war.
Also, this administration’s penchant for persecuting strong women has gotten so blatant that even a cabinet secretary, National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, was not spared. Amidst the absence of clear economic policies of this government, Sec. Maza’s agency was able to formulate a ground-breaking framework, “Reforming Philippine Anti-Poverty Policy” that puts poverty eradication at the center of governance.
Ngunit sa halip na pagtibayin ito, mas pinili ni Duterte ang TRAIN law at isang istratehiyang nakakiling at nakadepende sa bansang Tsina. Mas malala, inuusig pa ngayon ang opisyal na gumawa ng matinong polisiya laban sa kahirapan.
Ang lantarang pagsupil sa lahat ng kritiko ay nangangahulugan lamang na matindi ang takot ng alyansang Marcos-GMA-Duterte sa nabubuong pagkakaisa at lakas ng oposisyon. Nais nilang gibain ito pagkat alam nilang posibleng maging mitsa ito ng malawakang pagkilos ng mamamayan laban sa maitim nilang balak na manatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng Charter Change (Cha-Cha) sa ngalan daw ng Pederalismo.
Marcos, GMA, and Duterte are the same bunch of fascists and tyrants. They all espouse a policy of oppression and repression. They cannot stand dissent.
The question is, who will be the next target or targets of this hybrid despotic regime? Philippine democracy is being dealt with severe blows of slow death.
At ngayong bistado na po natin sila, wag nating payagang muling maulit ang madilim na karanasan ng ating bayan sa ilalim ng Martial Law at Diktaduryang Marcos. Muli tayong hinahamon ng kasaysayan na manindigan at ipagtanggol ang ating kalayaan, karapatan at demokrasya. Para sa ating mga anak at mga susunod na henerasyon!