Dispatch from Crame No. 331: Pahayag ni Sen. Leila M. de Lima ukol sa “Anti-Tambay” Operations

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Maling-mali talaga ang “Anti-Tambay” Operations na yan.

Pinapatay na nga nila sa “Tokhang” ang mga mahihirap. Pinapatay rin sila sa gutom dahil sa epekto ng TRAIN Law. Pati ba naman ang kakapiranggot na karapatan nila na magliwaliw at magpunta o pumirmi sa isang lugar na gusto nila ay ipinagkakait pa sa kanila?

Inaaresto ang mga sinasabing tambay na wala namang malinaw na guidelines (dahil nga labag ito sa Saligang Batas) at kinukulong sila, kahit alam naman natin na wala nang kalugar lugar at sobra nang masikip sa mga kulungan natin ngayon. Pinapatay na nila ang buong pagkatao ng ating mga mahihirap na kapatid.

Wala talagang puso ang gobyernong ito.

Kung naghahanap ng tambay ang PNP, doon sila pumunta sa Malacañang. May bastos, palamura at tsismosong siga doon. Ang pangalan niya ay Rodrigo Roa Duterte. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.