Dispatch from Crame No. 313: Sen. Leila M. de Lima’s statement on the impending approval by Congress of the National ID System

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

These are dangerous times to be trifling with the limits of the State’s power to infringe on the rights of its citizens. The approval of the National ID System Bill by the bicameral committee of Congress does not bode well for the full exercise of the bill of rights by the people and its observance by the State.

At a time when not even the most basic of rights — the right to life, the right to liberty, and the right to due process — are not only not being respected but are deliberately and systematically being violated as a matter of state policy, we cannot gamble away the remaining thin sheet of protection from government abuse that the bill of rights still afford us. We cannot rip that remaining veneer of law that still comes between us and the prevailing atmosphere of impunity imposed on our society by a repressive regime.

The rule of law in the Philippines is already in the ICU. With the National ID System, we are probably depriving it of any further chances of recovering. Duterte is already doing well in destroying our basic rights and institutions. The approval of the National ID System only helps the monster to further devour our nation.

Manipis na nga po ang proteksyon na ibinibigay ng ating Constitution at Bill of Rights sa atin, dadagdagan pa natin ng kapangyarihan ang Estado na manghimasok sa ating pribadong buhay. Ito po ay nakakatakot at napakapanganib.

Hindi itong uri ng administrasyon at hindi itong uri ng lipunan ang makakapag-kumbinsi sa atin na hindi gagamitin itong bagong batas na ito para lalo pang kitilin at yurakin ang ating mga natitirang karapatan.

Hindi itong uri ng pamamalakad sa bansa, kung saan ang Pangulo na mismo ang nagsabi na wala siyang pakialam sa karapatang pantao o sa Konstitusyon, ang maasahan natin na hindi gagamitin ang National ID System para tuluyan ng wasakin ang kakarampot na proteksyon ng batas na umiiral pa sa ngayon.

Sa panahon ng paniniil, kung saan dapat pa nating pinapalawak ang karapatan ng mamamayan, isang pagkakamali ang magpasa ng batas na magpapalakas pa sa kapangyarihan ng Estado para supilin ang mga karapatan ng taumbayan.

Sa pagsulong ng batas na ito, para nating tinutukan ng baril ang ating mga ulo, na puwedeng kalabitin ng gobyerno kung kailan man niya naisin na gamitin ang bagong batas laban sa atin.

Masyado pang marahas ang pamahalaan at lipunan na ito para ipagkatiwala sa kanila ang pagpapatupad ng isang batas na nakasalalay sa pag-iral ng kalayaan at demokrasya, hindi sa paghahari ng isang berdugong Pangulo. ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.