#BabaeAko, katulad mo na may angking talino at puso upang aktibong kumilos at lumaban para sa bayan at karapatan ng mamamayan. Pantay ang ating karapatan at walang sinuman ang maaari itong yurakan. Hindi si Duterte na duwag sa kababaihan. Hindi ang sistemang patriyarkal na pinayayabong ng palpak niyang pamamalakad.
#BabaeAko, I remain defiant despite my unjust detention and political persecution of the Duterte regime. Gusto akong patahimikin ng rehimeng Duterte dahil sa pagbatikos ko sa mga patayang kaugnay ng giyera kontra droga at sa iba nilang mga kasalanan. But I will not be cowed. Lumalaban ako!
#BabaeAko, binabastos at sinisiraan ng rehimeng Duterte dahil sa aking mga paninindigan. Hinihikayat ko ang mga kapwa ko babaeng tutulan ang pagmamaliit at pag-alipusta sa halaga at dignidad nating mga kababaihan. Lalaban tayo! ###