Dispatch from Crame No. 275: Sen. Leila M. de Lima’s Statement on Duterte’s acceptance of Aguirre’s resignation

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Parang eksena lang sa Mafia movie na pangit ang script, gasgas ang istorya at bulok ang acting. Pinaliligpit ng pinuno ng sindikato ang galamay na banta o pabigat na sa kanya o sa organisasyon. Sa sine, madalas na ang galamay ay pumalpak sa huling misyon, umabuso, o kaya’y tuluyan nang nawalan ng silbi kay boss.

Ano kaya ang nangyari kay Aguirre? Sumabit sa mga huling iniutos? Nag “sariling sikap” at lumaki na ang ulo? Pinagsawaan na lang basta ni Duterte? O all of the above?

Anuman ang tunay na dahilan, litaw na litaw ang totoong pagkatao ni Duterte bilang isang malupit at makasariling Mafia don. Hindi isip at puso ng isang tunay na pangulo ng bansa ang umiral dito. Usaping sindikato lamang ito. Wag na wag tayong malilinlang na ang pagtanggal kay Aguirre ay bunsod ng anumang dalisay na pakay ni Duterte para sa bansa at para sa Kagawaran ng Katarungan.

We should never lose sight of the fact that it is Duterte and his cohorts, including and especially Aguirre, who have been responsible for the high incidence of crimes of impunity and the brazen abuses of power in our country today. It is Duterte and his syndicate who have masterminded and executed numerous gross violations of the rights of our people and the wanton disregard of the rule of law in our society at present.

Ito ay hindi natin dapat malimutan. Dito natin sila patuloy na bantayan at papanagutin.

Attempts at designating sacrificial lambs or scapegoats, diverting from the real issues and finger-pointing can never bury and erase the innumerable monstrosities, lies and deceptions that Duterte and his goons have been inflicting upon our people.

Sa dulo: lalabas pa rin ang katotohanan at mananaig ang katarungan. Ito ang kinatatakutan ni Duterte at ng kanyang sindikato.

Sana ang nangyari kay Aguirre ay maging babala at leksyon sa lahat ng mga alipores, kasabwat at mga tau-tauhan ni Duterte – nasa Kongreso, Ehekutibo, at mga Hukuman man sila – ukol sa bagsik at lupit ng kanilang pinapanginoon.

Pero higit pa sa maaaring gawin sa kanila ni Duterte ay dapat isipin nila at katakutan ang paghuhusga ng kasaysayan at paghahatol ng taumbayan sa huli, kung saan laging magwawagi ang totoo, tama at makatwiran.

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.