Duterte’s announcement that cocaine now easily enters the country and that there are more drug cartels now is again a clear admission that his so-called drug war is an epic failure.
Inamin na nya noon na hindi nya kayang sugpuin ang problema sa droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Ngayon naman ay inaamin nya na mabilis na nakakapasok ang droga sa bansa at patuloy pa ngang namamayagpag ang mga sindikato.
Paano nangyari ito kung may tunay ngang kampanya laban sa droga?
While more than 20,000 lives of mostly poor addicts and small time pushers have been claimed under the bloody drug war, big time drug lords, suppliers and distributors remain untouchable. Mamili na lang si Duterte ng itatawag sa sarili nya at mga drug warlords nya: palpak, tanga o nagkukunwaring tanga.
Wala silang ginawa sa kumpare ni Duterte na si Peter Lim sa kabila ng mga alegasyon laban dito ukol sa droga. Wala silang imbestigasyon man lang sa anak at manugang ni Duterte na itinuturong sangkot sa nasabat na shabung nagkakahalaga ng P6.4 bilyon.
The drug supply has not been plugged. The distribution has not been blocked. Kaya, ano nga ba talaga ang nagawa ng kampanya kontra droga?
Malawakang pagpatay ng mahihirap. Walang tigil na pagkasira ng mga pamilya at pamayanan.
At ito pa: Ang ipakulong ako sa aking pagtuligsa sa mga polisiyang mali at karumaldumal gaya ng madugong drug war. Ang palabasing ako ay “drug queen” na may pakana raw ng kalakalan ng droga sa Bilibib noon, at gamitan ng mga inimbentong kwento ng mga totoong drug lord inmates na nagalit sa aking pag raid sa kanila noong 2014 at ngayon naman ay tinakot, pinangakuan o inuto upang tumestigo laban sa akin.
In the meantime, by PDEA’s and DOJ’s admission, drug trading at the Bilbid continues unabated. Why don’t the authorities crack down on the drug lord inmates? Natatakot ba silang bawiin ng mga preso ang mga kasinungalinan laban sa akin? O baka naman kaparte sila sa kita sa kalakalan sa droga? O baka pareho?
So, we shouldn’t really be surprised when Duterte announced that cocaine is now being shipped effortlessly into our country and that drug syndicates proliferate. This drug war is fake. The people have been duped big time.
Enough of the deceptions and the lies! End the killings!