Dispatch from Crame No. 178: Mensahe ni Sen. De Lima sa napabalitang pagtalakay at pagdedesisyon ng SC sa kanyang kaso.

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Sa aking mga kaibigan at taga-suporta:

Samahan po sana ninyo ako sa pagdarasal para sa napabalitang pagtalakay at posibleng paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema sa darating na linggo tungkol sa aking kaso.

Sa kabila ng tahasang panggigipit, pananakot at pagbabanta ni Duterte sa mga namumuno ng ating independent institutions— Supreme Court (SC), Ombudsman, at Commission on Human Rights (CHR)— sama-sama po tayong manalangin na mangibabaw ang katotohanan at ang katarungan.

Patuloy po akong nananalig sa biyaya at pagkalinga ng ating Mahal na Panginoon at sa inyong pagmamahal.

Maraming salamat po.

#OneForLeila #FreeLeilaNow #WordisWatching

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

[email protected]

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.