Dispatch from Crame No. 167: Sen. Leila M. de Lima’s Statement on threat against GMA 7 Senate Reporter Jam Sisante after covering Sen. Antonio “Sonny” Trillanes’ trip in Singapore

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Nakarating po sa akin ang pananakot at pagbabanta sa buhay ng GMA 7 reporter na si Jam Sisante, matapos ang pag-uulat niya sa pagpunta ni Sen. Sonny Trillanes sa Singapore, at doon ay napatunayang isang malaking kasinungalingan lang ang bintang ni Duterte ukol sa pagkakaroon ng foreign bank accounts.

Ang sabi raw po kay Jam: mag-iingat daw siya at baka matagpuan nalang daw siyang nakasilid sa sako.

Ganito na po kalubha ang epekto ng panlalason sa ating kaisipan ng rehimeng Duterte. Ganito po ang resulta ng panatisismo sa Pangulong maya’t maya ang pagkunsinti sa mga patayan at karahasan. Ganito ang impluwensyang hatid ng isang Pangulo na binabalewala ang karapatang pantao, at walang pagpapahalaga sa demokrasya. Ganito ba natin gustong magpatuloy ang ating lipunan?

Kalayaan sa pamamahayag ang isang mahalagang pundasyon ng demokrasya. Kaya naman itigil na ang panggigipit sa media! Itigil na ang mga pagpatay at mga kasinungalingan! Itigil na ang panunupil sa karapatang-pantao! ###

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.