Dispatch from Crame No. 143: Mensahe ni Sen. Leila M. de Lima sa kanyang kaarawan

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Tulad ng nauna ko nang nabanggit, ang birthday wish ko po: vindication.
Paglaya hindi lamang mula sa di-makatarungang pagpapakulong sa akin ng rehimeng Duterte, kundi pati na rin ang paglaya mula sa mga kasinungalingan at paninira sa aking pagkababae at pagkatao.

Gusto ko pong malinis ang pangalan ko, hindi lang para sa aking sarili. Para ito sa aking pamilya—sa aking ama at ina, na pinalaki kaming magkakapatid nang marangal. Para ito sa aking mga anak at mga apo, at sa kanilang magiging pamilya.

Inosente po ako. Malinis ang aking konsensya. Hindi ko po pinangarap na maging abogado at maging lingkod-bayan para sirain lang ang aming pangalan.

Nakakulong man ako ngayon at pinapasan ang napakabigat na pagsubok sa aking buhay, nagpapasalamat pa rin ako nang lubos sa Mahal na Panginoon sa lakas na patuloy Niyang ipinagkakaloob.

Buong-puso akong nagpapasalamat ako sa suporta ng aking pamilya, at sa inyo pong lahat na nagtitiwala at kasama kong nakikipaglaban.

Patuloy ko pong dalangin ang ating tagumpay: Ang mangibabaw ang katotohanan, ang makamtan ang katarungan ng mga pamilyang pinagkaitan ng hustisya, at ang pananaig ng demokrasya.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Ipanalangin po natin ang bawat isa.

#LabanLeila #FreeLeilaNow

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.