Dispatch from Crame No. 1034: Sen. Leila M. de Lima’s Reflection on her 4th year in unjust detention

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Bakit hindi po tayo sumusuko?

Isang libo apat na raan at limampu’t walong (1,458) araw ng pagkakakulong.

Sa loob ng apat na taon, sa tulong ng mga kabalikat nating sektor, nakapagpasa tayo ng mga batas na aagapay sa mga kapuspalad nating kababayan na mamuhay nang disente at may dignidad. Kabilang dito ang pagpapatatag ng 4Ps at Magna Carta of the Poor.

Itinulak natin ang dagdag na diskwento sa mga bayarin at tulong para sa mga maralitang naghahanap ng trabaho, para sa rural communities, PWDs at senior citizens. Isinulong din natin ang Human Rights Defenders Act upang protektahan ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at katarungang panlipunan.

Hindi man ako pinayagan na makasama sa mga pagdinig sa Senado sa pamamagitan ng teleconferencing, wala tayong sinasayang na panahon para sa pagbangon. Kaya naman sa mga katuwang nating sektor at organisasyon na matiyagang nagbibigay ng kanilang mga mungkahi at nagpapaliwanag sa aking mga kasamahan sa Senado ng ating mga panukala, maraming maraming salamat po.

Sapat na ba ang ating mga nagawa? Hindi pa. Sapagkat ang karapatan ng bawat tao na mamuhay nang malaya at may dignidad ay araw-araw nating ipaglalaban. Hangga’t tampok ang usapin ng pagkain, tirahan, trabaho, kalusugan, at kasarinlan, hindi matatapos ang ating trabaho.

Ito ang dahilan ng hindi natin pagsuko at patuloy na panawagan: Ibalik ang hustisya!

Kakulangan ng trabaho, hustisya! Mataas na presyo ng mga bilihin, hustisya! Pagbaluktot sa batas, hustisya! Pambabastos sa kababaihan, hustisya! Panggigipit sa mga kritiko, hustisya! Pamimigay ng ating teritoryo, hustisya! Pamamaslang at karahasan, hustisya!

Apat na taon ng pagkapiit, pero ni minsan, hindi naduwag, hindi nanahimik. Kasama ninyo ako lagi sa pagsusulong, at di magtatagal, sa pagkamit ng hustisya.

Laban lang!

###Access the handwritten copy of Dispatch from Crame no. 1034, here: https://issuu.com/senatorleilam…/docs/dispatch_no._1034

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.