Presidential mouthpiece Harry Roque once again earned the ire of the nation when he said that the public should not be picky with the COVID-19 vaccines. Nahawa na ata sa klase ng pag-iisip ng boss nya.
Sabihan ba naman ang taumbayan na bawal daw maging pihikan? Aba, terible! Hindi PSG ang taumbayan para pilitin at utusan tanggapin ang bakuna na wala silang tiwala. Napakarami namang ibang bakuna na puwede pagpilian na mas mura at mas epektibo.
Anong akala niyo sa buhay ng mga Pilipino, pwede niyong paglaruan? Pasalamat na lang kami na mayroong bakuna kaysa wala? The Filipinos are not asking for too much, Mr. Roque. The public has the right to choose which vaccine they would be willing to take so they would know which side effects they would also be saying yes to. Akala ko ba human rights lawyer ka?
Hindi sila nagpipihikan na parang namimili ng ulam. Ang hiling nila ay ang karapatang humindi sa mga kwestyonableng bakuna na maari niyong aprubahan mula sa Tsina o Russia! Masisisi ba natin ang ating mga kababayan kung nag-aalangan sila tanggapin ang bakuna galing China?! Certainly not when news reports keep surfacing about the adverse effects of some vaccines. Ang mga LGU natin, kasama Davao City, hindi bakunang galing sa China ang kinuha, bakit natin ito ipipilit sa mga kababayan natin? If they believe so much in that vaccine, they should be the one to take it and give our people the opportunity to use the other brands.
Si Roque pa talaga ang may lakas ang loob sabihin na wag colonial mentality sa pagpili ng bakuna pero sila naman ang nakasunod lagi sa amo nilang China. Exhibit A: Sinovac!
Our people deserve no less than a safe, effective, affordable and corruption-free vaccine. Nothing more, nothing less! ###
(Access the handwritten version, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_1015)