De Lima calls for end to killings, justice and freedom for political prisoners – De Lima

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Opposition Senator Leila M. de Lima has renewed her call for an end to the senseless killings under the Duterte regime and justice for all political prisoners in the country a day ahead of the celebration of the International Human Rights Day.

In her message during a rally at the Bantayog ng Mga Bayani, Quezon City today (Dec. 9) organized by the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), De Lima also called for an end to the anti-peasant and anti-people policies of the current administration.

Sa araw na ito, mula sa hanay ng mga magsasaka, mga kampeon ng karapatang pantao, mga kababaihan at mga kapwa ko bilanggong pulitikal, muli nating ibinabantayog ang ating pagbubuklod upang wakasan ang paniniil ng diktador na si Duterte at papanagutin sila sa kanilang mga kasalanan,” she said.

Sa makasaysayang lugar na ito, bilang pagpapatuloy sa laban ng mga bayaning Pilipino, lalo pa nating pinalalakas ang ating nagkakaisang panawagan: Itigil na ang mga pagpatay! Katarungan para sa mga biktima! Reporma at ayuda para sa mga magsasaka! Kalayaan at hustisya para sa lahat ng mga bilanggong pulitikal!,” she added.

De Lima, the most prominent political prisoner under the current regime, lamented that the Filipino people’s plights did not improve under Duterte’s rule because his only solution to country’s woes have always been based on lies and abuses.

Mahigit apat na taon ang lumipas, wala naman tayong napala kundi ang walang habas na karahasan na solusyon ni Duterte sa lahat, sa panahon man ng pandemya at sakuna,” she said.

Napakatinding delubyo ang dinadanas ng Pilipinas ngayon sa ilalim ng Pangulo na napakakitid ng pag-unawa at pagtanggap sa karapatang pantao.

Puro satsat, puro drama, pero lagi namang ‘missing in action’ sa kasagsagan ng kalamidad dahil mas pinipili niyang tulugan ang krisis. Pagkagising, inililihis pa ang usapin sa paulit-ulit na pambabastos at paninira sa mga kritiko at sa mga humaharap sa peligro para makapagbigay ng karampatang serbisyo,” she added.

The lady Senator from Bicol said Duterte has resorted to jailing his perceived critics because he wanted to stop them from exposing his failed governance.

Hindi na nakapagtataka na bukod sa pagpapakulong sa akin at sa marami pang bilanggong pulitikal, pilit pa nila kaming pinatatahimik at ginigipit. Simple lang ang dahilan: Takot ang gobyernong ito sa mga nagsisiwalat kung gaano ka-inutil at kaduwag ang kanilang Poon,” said she.

Duwag sa mga tunay na lider at mga babaeng naninindigan, duwag sa pananagutan sa taumbayan—mula kay Ka Randy Echanis, kay Reina Mae Nasino at Baby River, kay Amanda at Baby Randall Emmanuel, hanggang sa libo-libong maralitang Pilipino, mga pari, abogado, aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao na pinaslang sa ilalim ng rehimeng ito,” she added. (30)

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.