Dangal at Buhay

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

On CBCP’s Holy Mass to mark the World Day against Death Penalty

Intramuros, Manila

10 October 2017

Good day to all of you.

Thank you very much to all the organizers, especially to the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) for making this event possible, and for inviting me once again to be part of this meaningful event.

Ang bilis po talaga ng panahon: Isang taon na pala ang nakalipas mula nang nakadalo ako dito at magbahagi ng aking saloobin tungkol sa death penalty. 

Alam niyo naman po, sa pag-upo pa lang ng administrasyong Duterte, naging mainit na namang usapin ang pagbabalik ng death penalty sa bansa.

What else can we expect from a bloodthirsty and power-drunk President? What else can we expect from a President who seems to have lost his conscience?

Our judicial system has a lot of pitfalls, and is susceptible to miscarriage of justice. Just think of the horror of wrongful convictions under a fractured law enforcement and criminal investigation processes, and flawed legal and judicial systems such as ours, mapapailing ka talaga sa mga taong nagtutulak pa rin ng death penalty.

Simple lang ang hangad natin: Reporma sa sistema ng hustisya, hindi pagpatay ng kapwa.

Hindi madadala ang lahat sa shortcut. Buhay ang pinag-uusapan natin dito. Tingnan na lang natin ang nangyayari ngayon sa laganap na extrajudicial killings sa ating bansa. Sa mahigit 13,000 na biktima ng EJK, halos lahat po rito, kabilang sa maralitang pamilya.

          Ganito rin ang resulta ng death penalty, ang mahihirap nating kababayan ang mapapasama sa death row—silang walang kakayahan o pambayad sa abogadong magtatanggol sa kanila, at tatanggapin na lang ang kamatayan kahit wala naman silang kasalanan.

I cannot help but ask: How many innocent people out there in congested jails are awaiting trial for crimes they did not commit? How many are suffering the same fate as mine—a victim of a gross injustice?

          At dahil hindi umuusad ngayon ang pagsasabatas ng death penalty dahil nahadlangan natin ito sa Senado, nakuha pang gamitin ito ng ilan para pagtakpan ang kapalpakan ng “War on Drugs” ng gobyerno.

Sinusubukan nilang magpalusot sa depinisyon ng EJK. Sabi nila: Wala naman daw “judicial killing” dito sa Pilipinas dahil walang death penalty, kaya hindi totoong may libu-libong biktima ng EJK, na mga pinaslang na aktibista lang daw ang maituturing na EJK. Hindi po talaga natin alam kung saan sila kumukuha ng kapal ng mukha.

In this so-called war on drugs—which is really a war against the poor—one death is one too many.

The uproar against the killing of minors and innocent children has been reflected in the recent satisfaction ratings of Duterte which has suffered its steepest decline yet, down by 18 points.

The Filipino people should also express its outrage against the President’s retributive stance in promoting the reinstatement of death penalty because taking the life of an innocent person is not only irreversible, but ultimately, a descent to barbarism.

          Akala po siguro nila, mauuto at malilinlang nila lagi ang lahat ng Pilipino. Sa isang maling hatol, buhay ang masasayang, at hindi na mababawi pa. 

As former Justice Secretary and now as Senator: Certainty, swiftness, and severity of punishment for heinous crimes serve as the firm foundation of my social justice advocacy. I am against death penalty. It is discriminatory to the poor, un-Christian, and has not been shown to deter crime.

As an alternative bill, I filed a new penalty of imprisonment: qualified reclusion perpetua for heinous crimes.

Ang nais natin: Iwasto ang mali, at parusahan ang tunay na tiwali. Sa karanasan ko bilang isang biktima ng mga imbentong kaso, lalo ko pong sisikapin na maitaguyod ang matatag na mekanismo para tugunan ang kawalang hustisya.     

Ang panawagan natin: Itigil na ang mga patayan at karahasan sa ating lipunan. Anong klase ng kinabukasan ang ipapamana natin sa kabataan kung patong-patong na bangkay ng kapwa natin Pilipino ang tinatayuan ng gobyerno sa kanilang sistema ng pamamahala?

Sama-sama po nating katukin ang konsensya ng ating mga pinuno, at ng mga Pilipinong bulag na tagasunod ng polisiya ng karahasan at pagpatay ng mga tao para lang makamit ang hustisya.

 Kapit-bisig nating itaguyod ang isang tunay na makatarungan, makatao at maka-Diyos na lipunan, ngayon at sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

Muli, maraming salamat po.

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.