A Forum on Federalism and Charter Change

Share:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter

Polytechnic University of the Philippines

12 February 2018

My warmest greetings from my prison cell here at the Philippine National Police (PNP) Custodial Center in Camp Crame, where I am presently detained for almost a year as a prisoner of conscience of the Duterte regime. This 24th of February will mark my 1st year of illegal arrest and unjust detention.

Thank you very much to all the organizers of this very significant forum, especially to the the PUP Office of the Student Regent and the Department of Political Science and Public Administration, for holding the event. I thank you all for being here to participate and to be informed of issues concerning our democracy and Constitution. 

Maraming salamat sa pagkakataon para maibahagi ang aking mensahe ukol sa mahahalagang isyu sa ating bansa.

Last week, Duterte said in his speech to former communist rebels he invited to dinner in Malacañang: “If you say dictator, I am really a dictator. Because if I don’t [act like a] dictator, son of a bitch, nothing will happen to this nation.”[1]

Isipin natin: Kung pagpapalit ng Saligang Batas at anyo ng gobyerno ang usapan, mahirap namang suportahan ito sa ilalim ng pinunong ganito ang pananaw. Naging bahagi na ng kasaysayan natin ang diktadurya, at alam natin ang naging resulta ng mahigit dalawang dekadang pananatili sa kapangyarihan ng isang diktador.

Talamak na katiwalian. Pagkalubog sa utang. Paglubha ng kahirapan. Pagyurak sa mga karapatan.

According to the poet and philosopher George Santayana: “Those who do not remember their past are condemned to repeat their mistakes.”

At ngayon pa lang, nakikita na natin ang mga senyales na bumabalik tayo sa sakit ng pagkalimot at pagwawalang-kibo sa pag-abuso sa kapangyarihan. Ngayon pa lang, sa pagtataguyod nila ng Charter Change, may mga mambabatas nang ipinaparamdam ang tunay nilang pakay: Term extension, o unli term pa nga ang hirit ng iba.

Kung pareho lang naman ang mga nasa puwesto sa pagbabago ng gobyerno—silang matagal nang politiko at nagtayo na ng kanya-kanyang kaharian sa kanilang nasasakupan; silang nagpasa ng kapiranggot na budget sa ahensya para sa karapatang pantao, na akala mo sarili nilang pera ang kabang-bayan—saan pupulutin ang ating bansa? Anong pagbabago ang ihahatid ng Pederalismo sa ilalim ng ganitong prinsipyo?

Nasa yugto tayo ngayon kung saan malinaw na nagagamit ng mga nasa poder ang mga butas ng batas para isulong ang pansariling agenda, kung saan isa-isang ginigipit ang mga pinuno ng ating independent institutions: Ang CHR, ang Supreme Court, ang Ombudsman.

Ang hamon sa atin: Pagtibayin ang kasalukuyang Saligang Batas, at tapat na itaguyod ang mga probisyon nito. 

Manatili din sana ang ating pagbabantay, lalo pa’t puwedeng ginagawa lang na panlihis ang usapin ng Cha-Cha sa ibang mahahalagang isyu sa lipunan.

Ang pananagutan sa pagpatay sa mga estudyanteng gaya ni Kian delos Santos, at ng libo-libong maralitang Pilipino.

Ang pagpapakulong sa inosente, at pag-iimbento ng kaso sa mga kritiko ng gobyerno.

Ang pagpapasara sa Rappler, pagbatikos sa Inquirer at ABS-CBN at paniniil sa malayang pamamahayag ng mga estudyanteng nakikilahok sa mga usaping panlipunan.

Ang paglaganap ng fake news na lumalason sa ating isipan, dahilan para ang katotohanan at mabubuting kaugaliang natutunan sa paaralan at tahanan ay mabalewala na lamang.

Ang laganap pa ring droga sa Bilibid, ang bilyong pisong halaga ng ipinuslit na droga sa Customs mula sa China, at ang pagsuko at tila pamimigay ng ating mga teritoryo sa China.

Marahil, nabalitaan na rin ninyo ang pag-usad ng kaso laban kay Duterte at ng ilan pang opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC). Bantayan din natin ito, nakasalalay dito ang dignidad ng Pilipinas at ang paggana ng sistemang pangkatarungan sa mata ng buong mundo.

Ang panawagan sa ating lahat, lalo na sa inyong mga kabataan na susunod na mamumuno sa bansa: Maging mapagmatyag, maging kritikal at mulat sa katotohanan. Itaas ang antas ng pampublikong diskurso ukol sa pananagutan sa batas, sa hustisya, at demokrasya.

Napatunayan na natin sa kasaysayan: Hindi kailanman matitibag ng isang diktador ang lakas ng nagkakaisang sambayanan na bukal ng kapangyarihan sa ating bayan.

Sama-sama tayong manindigan para maibalik ang dangal ng Pilipinas, at itaguyod ang kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino. 

Maraming salamat po.


[1] http://newsinfo.inquirer.net/967393/duterte-im-really-a-dictator

Office of Senator Leila de Lima
Rm. 502 & 16 (New Wing 5/F) GSIS Bldg., Financial Center, Diokno Blvd., Pasay City

Trunk Lines:
(632) 552-6601 to 70 local no. 5750

Direct Lines:
807-8489 / (Rm. 16) 807-8580 /local 8619

senleilamdelima@gmail.com

© 2019 Office of Sen. Leila de Lima. All rights reserved.